Friday, January 15, 2010

Walang Iba Kundi Ikaw (The Orig.Miss Manila, Part 7)

Nakilala ko ang mga bata ,at naging malapit ang loob nila sa amin,si Junior,Amalia,at Emily ay bale mga pininsan kong makalawa sa ina,sa kanila kami nanananghalian,katabi kasi ng bahay nila ang kapilya.At sila impo Nacleta,Angela at Santa ay mga tiyahin ni Inang,tatlong maria na aktibo mga miyembro na lagi ako umaamin kapag nakikita ko doon sa San Jose,N.E.,kasama nila Inang at Impo selma sa pagtitinda ng ikmo sa palengke dito noon.

Kaya sila,napapangiti nalang sa akin kapag napansin na magkasama kami ni Minnie,na parang nililigawan ko raw.Kaya siguro,malamang makarating ang balita,pati sa mga kamag anak namin sa san jose.Dito sa isang miyembro,kila tiya teresa siya tumutuloy,katabi nuon ay bahay ni mamang kikoy,mga dalaga at binata narin ang mga pininsan ko.Napansin ko rin sila na,napapangiti nalang kapag nasalubong kami dito sa Sinasajan.

Minsan,magpipiyesta sa Papaya,bilin niya,mamiyesta kami ni arnell sa kanila sa linggo,at nakarating nga kami,una sa bahay,nang magtatanghali nagpunta kami sa malapit na kapit bahay,at doon ako nabusog ng husto sa kinain naming caldereta,menudo,lechon,minatamis na halya,leche plan at kundol.Nagtuloy pa kami sa bandang dulo,kaunti nalang ang tinikman ko,hanggang hapon kami nag iikot doon.At nang gumabi na ,hindi siya pumayag na umuwi na kami,manonood paraw mamaya ng palabas na Stages show sa may plaza,sa harapan ng munisipyo at doon nga kami ni arnell nakatulog sa bahay nila,sa unang pagkakataon na iyon.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila