Wednesday, January 27, 2010

Walang iba kundi ikaw (the orig.Miss Manila)Part 8

Ng sumunod na Biyernes,nagpunta uli kami ni Arnell dito sa sinasajan,At nadatnan namin siya uli,bagong dating siya galing sa kanila sa Papaya at nagkwentuhan uli kami tungkol sa nakaraang fiesta sa kanila.Naglilinis siya ng kuko sa daliri ng kamay niya habang kaharap kami,at ng matapos ay inalok nya kami,kung gusto rin ,ayaw ni arnell,kaya sabi ko ako nalang,habang hawak nya ang daliri ko:naitanong ko sa kanya:pwede na kaya kami sa kanya bilang kaibigan, sabi nya:oo,mabait naman kayo ni arnell,,.at si arnell,ng sandaling iyon ay nakadungaw sa bintana ,tinitingnan ang dumadaan sa harapan ng bahay nito ni tiya teresa.

Nasa isip ko:parang may crush ito kay arnell,,at nasabi nya,hindi naman siya tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao,kundi sa panloob na ugali nito,o sa puso ng isang tao.Parang tinablan ako sa nasabi niya na iyon, at napunta ang kwento nya sa isang talata sa bibliya,sa mga taga galacia 3;22,na ang pag ibig raw ay mapagmahal,marunong magtiis,mapagkumbaba at di madaling matukso.Nakaramdam ako; ng paghanga,sa kanya habang sinasabi nya sa akin iyon.,habang hawak nya ang isa kong kamay at nilalagyan ng natural cutix ang kuko ng daliri ko.Nasa isip ko,pwede siguro akong magtapat sa kanya?Hanggang sa mag aya na ;umuwi si arnell at tapos narin ang manicure ko,nagpaalam na uli kami noon sa kanya,bukas nalang uli dadalawin namin siya.

1 comment:

  1. Natawa naman ako, Dade. May "Orig" pa talagang karugtong... Hehehe!

    ReplyDelete

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila