Kinagabihan matapos ang aming hapunan,dito ako nag ayos ng higaan sa sala,at ang mga bata ay nanood narin ng telenovela sa portable tv,dito sa gitna.Naisip ko parin si Minnie ng mga sandali na iyon:paano ba kayo nagkakilala?
Doon sa sinasajan,sa Penaranda pa,1976 ang taon noon.Abril ,katatapos lang ng final exam ay umuwi ako ,at nagtuloy sa kapitbahay kila tiyo Pabling,linggo ng umaga isinama ka sa destino nya,bilang Pastor sa IEMELIF.Nakita ko siya na kumanta at napansin ko ang tinig niya na malamig sa tainga.May activities sa isang linggo,ang sabi nya sa akin,sali raw kami ni Arnell,anak na teen ager ni Pastor.
Nang sumunod na araw,namasyal nga siya,nadatnan ko siya sa bahay nila Pastor na kausap si Tiya Miling,asawa na isang teacher sa Pen.Central sch.dito sa amin.Ipinakilala ka uli ,at nagkausap na kami,habang inuumpisahan niya ang pag guhit sa cartolina na gagamitin sa DVCS.,nagkatulungan kami sa pagsulat at matapos ang visual aids nito. Naging teacher ako at si Arnell ng sumunod na Lunes,naglalakad mula sa bayan,tatawid ng tulay na bakal na pinaglumaan ng tren,lalakad pa uli babaybayin ang mga puno ng kawayan bago kabahayan dito sa sinasajan,ang lugar nila Inang noon.At isang linggo ang itinagal ng aming activities na ito para sa mga bata, at mga juniors.

No comments:
Post a Comment