Thursday, February 18, 2010

Walang iba kundi ikaw (the orig.Miss Manila)Part 11

Nang sumunod na araw,nagpasama na lumuwas si arnell at dito ko siya isinama sa Pasay,sa apartment na inuupahan nila ditse miyang:2637_2 p.villanueva st.At nagpunta muna kami sa may st. lukes hospital,ipinagtanong namin dito si Dr.Jacinto,ang dati niyang espesyalista sa kanyang karamdaman,at na check up nga siya. Pagkatapos noon,pumunta kami ng cubao,sa tiyahin niya,na nagtatrabaho sa post office.Nakahingi naman siya ng pera,at nagdaan kami sa R.C.P.I. at nagpadala siya ng telegrama sa nanay niya:magpapa confine siya sa UERMMH ngayon at inirefer na siya ni Dr.Jacinto,at nagtuloy na nga kami sa hospital,sa third floor ward ng medical bldg.Dito na kami natulog at kumakain,at ng pangalawang araw namin dito,dumating na nga si pastor at tiya miling.May nangungumusta raw sa akin:si minnie,at namasyal nga raw sa kanila ng isang araw,at nagsimula na tumibok at sumaya ang puso ko at kalooban,dahil naaalala ko na siya.Nang matapos maoperahan at magpahinga si arnell dito sa ospital ng tatlong araw,hanggang masamahan sa paghatid sa grace park:baliwag transit bus,pauwi sa penaranda,at umuwi narin ako dito sa amin sa pasay.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila