Wednesday, February 24, 2010

Walang iba kundi ikaw (the orig.Miss Manila)Part 12

Nang sumunod na araw ,pinag enroll na uli ako ni ditse miyang para ngayong first sem,1976_77 ,at nakita ko na naman ang dati ka classmate at maghapon din ako sa N.U. ng araw na iyon. At pagdating ko ng apartment,dumating at napaluwas sila tatay at aking ina.Ang kwento:nasalubong at nakilala raw niya si Minnie at sinabi nya na siya nga ang tatay ni dannie,kinukumusta raw ako,at napangiti nalang ako sa sinabi ni tatay sa akin.Kaya ng pagkakain namin ng hapunan,nagmukmok na ako sa study table dito sa itaas ng kuwarto,umisip ako ng opening letter ko para sa kanya,nakaboo ako ng dalawang pahina,sa harap lang,nagpapahiwatig na na missed ko rin siya at pasasalamat sa mga masaya naming sandali sa nakalipas na ala ala nitong nakaraang buwan ng mayo. At ang envelope,na puti ay sinadya ko pa na may sealed ng P.O. special delivery,sa pamamagitan ni tatay,pag uwi nila bukas sa penaranda.Kaya simula iyon,ng aking pagbilang ng araw,at pagkaraan nga ng mahigit isang linggo ay may sulat akong natanggap,habang ako ay naka istambay ng magtatanghali dito sa harapan na bahagi at may tindahan ng may ari nitong tirahan.Masaya ako,ng habang binubuksan dito sa itaas na kuwarto ang unang sulat niya sa akin.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila