Monday, March 8, 2010

Walang iba kundi ikaw (the orig.Miss Manila)Part 14,

Kinagabihan nga noon ay sinagot ko ang sulat ng pagmamahal niya sa akin. Masaya ang damdamin at puso,ng mabasa ko ang awitin na handog niya sa akin :the wonder of you,nakadama ako ng paghanga ko sa aking sarili,sa mga salita na;nakapaloob doon,na dahilan din ng pag ibig na nadarama niya sa akin.At may nasabi pa siya,na ang gusto niya na tawag sa aming pagmamahalan ay katulad ng honey bee,na matamis:kaya ang tawag niya sa akin ay:honey at ito rin ang itawag ko sa kanya.Kaya nga naisipan ko rin na maghandog ng isang awitin ng pagmamahal ko para sa kaniya,ang pangmagpakailanman: i ll be yours my love,na isinama ko sa aking sulat.Nagpapatunay ito na:walang katapusan na pag ibig ang aking nadarama sa ngayon.Kinabukasan,pagkagaling ko sa aking klase sa N.U.,ay sinadya ko na dumaan sa Lawton,sa main P.O. sa unang pagkakataon,para magpadala ng sulat sa aking mahal.Pagkaupo ko sa jeep,pauwi na sa pasay:napapangiti nalang ako sa kaharap ko,habang naaalala ang masaya naming sandali,habang bumabagyo noon,sa bahay ni tiyo menes sa sinasajan.Hanggang makababa ako dito sa may tahimik na eskinita,lampas ng kanto ng protacio st. at naglakad pagawi dito sa p.villanueva st.,tuloy sa apartment.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila