Monday, March 1, 2010

Walang iba kundi ikaw (the orig.Miss Manila)Part 13,

Sa gabi ng araw na iyon,gumawa ako ng sulat para sa kanya at dala ng tibok ng aking dibdib,nakaisip ako na magtapat sa kanya:sabihin sa pamamagitan nitong sulat ang tunay kong damdamin at niloloob ko ngayon ng tungkol sa aking pag ibig sa kanya.Masasabi ko rin kahit kaharap siya na :mahal ko talaga siya ngayon na nagbunga ng pagmamahal ang aming nakaraan na karanasan.At kinabukasan,mag ika walo ng umaga ay nagpunta ako at napasyal dito city hall ng pasay at dito sa likod ay ang post office na sa unang pagkakataon ay totoo na sulat na may P.O.seal at special delivery sa address nila sa papaya. Kamukha ng una ,mahigit dalawang linggo ang lumipas at araw ng biyernes noon,ay may nag abot sa akin ng sulat mula sa bagong suki,si mamang kartero,pumasok muna sa bungad na eskinita,papasok sa mga katabi na looban:pinagkaisahan street,kanto ng p.villanueva. Iyon pala ay sulat mula kay minnie, at nag imagine kung ano kaya ang kanyang sagot,at nananghalian muna ako,bago ko bubuksan at itataon ng pamamahinga sa kwarto,at naalala ko na:birthday nga pala ni roy ngayon,ang sumunod sa akin na kapatid.Halos maglulundag ako sa kasiyahan na magsabi siya sa akin na,mahal rin niya ako at ingatan ang pagmamahal na ito,na maaaring magtagal,magpakailan paman.Nag uumapaw ang aking kaligayahan ng mga sandaling iyon,na hindi ko malimutan.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila