Wednesday, April 14, 2010

Walang iba kundi ikaw (the orig.Miss Manila)Part 18,

At dumating ang Dec. sem. break,naisipan ko na umuwi sa Penaranda ng tanghali na,habang nakasakay ako sa Baliwag bus ay siya ang nasa isip ko:ano kaya ang ipapasalubong ko sa kanya ngayon ?pagparada ng bus sa terminal ay bumaba muna ako at tumingin ng polboron:naalala ko,sabi nya sa akin,paborito raw nya ito.Sinamahan ko pa ng lanzones at matamis na yema ,macapuno at ube.Naisip ko,matutuwa na siguro siya dito sa una kong pagdadala ng pasalubong na napakatamis na pagmamahal. At pagbaba ko sa bus,napansin ako ng kanyang pamangkin na batang babae,si ellis,at naitanong ko ang tita minnie niya,natanaw ko na dumungaw siya sa kanilang bintana,naghintay siya sa aking pagpanhik ko sa kanilang balkonahe,at pagbati nya sa akin ng matamis niyang ngiti at kumusta na?kasabay ang pag abot sa dala kong matamis na pasalubong at pagsasabi nya ng:salamat dannie sa pag alaala mo sa akin.Nagtuloy kami sa kanilang sala,at nag umpisa ang masaya naming kuwentuhan:ang tunkol sa huli naming sinasabi sa sulat,nagpasalamat sa ipinadala niyang card noong birthday ko,at sinabi ko sa kanya ,ganoon ko siya kamahal,at tunkol sa sinulat niya na motto:to love and beloved.Masaya kami pareho ng mga sandaling iyon,at sa gabi ay hindi na nya ako pinauwi sa Penaranda,bukas na raw ako umuwi:sabay na kami sa pagpunta sa sinasajan.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila