Her mother is our sister,and she is the eldest daughter of Mateo and Filomena Mabalay of Peñaranda,Nueva Ecija.According to my parents,she was born on June 10,1938 after two yrs of their marriages.As the only child this time,she always helping to my mother in preparing and cooking foods,washing the clothes in the river of Peñaranda and other household activities.As I recall when I was a child:Nakita ko sa aming sala,na nakasabit ang kanya diploma sa pagka Deaconisa at may maliit na litrato nya ng siya ay dalaga na.At sa kahon ng litrato ni Tatay ay may kuha ng siya ay nag aral sa High school dito sa Peñaranda.Isang litrato nya na may dedication ng pagmamahal ng isang lalaki at ito ay si Kuya Manuel,nakilala nya pala sa Maynila,ng siya ay nag-aral dito.At minsan nga,dumating sila sa amin,namasyal sila dito sa Peñ.sa aming kamag-anak sa sinasajan at ipinakilala raw ni Ate at nagpakasal na nga sila dito sa amin.At nagsama na nga sila at pagkaraan ng ilang taon.Umuwi uli sila Ate sa amin,at magpipiyesta ng Mayo dito,.may anak na sila,si Noel nga(ang nasa litrato)at si Hapon,ang totoo raw na pangalan ay Normando Barrientos,.na labis kong ikinasaya at natutuwa sa bago kong kalaro at mga pamangkin.At ng minsan,pagkatapos ng aralan ng grade-I ako, ay bakasyon na.Dumating uli si Ate,sakay siya ng Bautista & sons at bumaba sa tapat ng aming bahay,mag-isa lang siya at maraming dala pasalubong.Mga Tinapay na Baliwag pandesal,Mga delata lapad na Sardinas,corned beef,mantika sa lata na parang margarine , mga isda na pinirito na , matamis ,at harina,na nakalagay sa dalawang paper bag na nakatali. Kinabukasan ng Tanghali,napag-usapan na isasama ako at si Ditse Miriam na isasama paluwas o pagbalik nya sa Maynila.At sa unang pagkakataon ay makakaluwas na ako sa siyudad ng maynila sabi ko sa sarili ko:At maganda raw doon,marami ako mapapasyalan na kakaiba sa amin..at sumakay na nga kami ng dyip papunta sa Gapan at pagdating sa Gapan,ay parang hilo na naman ako. At lumipat na uli kami sa Bautista na nakaparada doon sa Gilid ng Bukana sa Gapan.Habang nagbibiyahe na ay nahihilo na ako at nakahiga na ako at kalong ni ditse Miriam.At malapit na ako masuka,pero nakatulog ako.At nakarating na sa Grace park,dito sa caloocan at lakad na naman kami at lumipat ng dyipni uli,punta raw sa may divisoria,at lumipat na Uli sa bus Marikina,bumaba kami sa Torres raw iyon papunta sa kanila 9 de Febrero st.Mandaluyong,Rizal.
No comments:
Post a Comment