Saturday, October 15, 2011

Life in the heart of Manila- All by Herself-part -1

She was born on Sept.4,1944 as the 3rd daughter of Mateo and Filomena Mabalay of Peñaranda,Nueva Ecija.They called her Teresita or Bebe,as known for us until now remembered well about her..Ng siya ay magdalaga na ay nagka-kilala pala sila ni Kuya Celso sa San Jose City.Dito raw nakatira si Nanang Rubing at ang kanyang pamilya,nakababata kapatid ni Inang.At pagkaminsan ay umuuwi siya sa Peñaranda,upang kami ay dalawin.Tumutulong siya sa Hanapbuhay nila Nanang na pagtitinda ng pagkain sa harap ng kanilang bahay,na naka-pwesto sa malapit sa paaralan elementarya ng bayan ng San Jose at ganoon din sa pag-aalaga ng mga pininsan namin,na mga anak na maliliit pa noon.Napunta narin ako dito noon kasama ni Inang, ng ako bago palang,nagkaka-isip at kalaro ko si Ben,na kasing laki ko noon,at ng umuwi kami sa Peñaranda:ay sumakay kami sa Bautista & sons,ang bus na uso noon sa amin at hilong parang gulay ang pakiramdam ko pagdating sa aming bahay. Pagka umuuwi sa Peñ..ay dumadalaw siya sa mga dating kaibigan,kila Ate Luz,(pinsan namin),Tia Linda na Bautista(kapitbahay)at marami pa iba..At sa pagdating ng hapon..uuwi at papanik na ng bahay..lagi ako mapapansin at uutusan,..minsan tinuruan nya ako ng paghuhugas ng mga plato at baso at isang araw matapos ako makipaglaro sa likod bahay namin:may mandala,bundok ng dayami at pupunta kami sa tuktok nito,kalaro sila Ante(pinsan ko at kapitbahay) at magpapadulas at gugulong kami mula sa itaas nito.At kasabay ng pamimitas ng matamis na kaymito ni Kaka itang..ay marami akong nakuha na basag at napakatamis kainin..Pagpanik ko ng bahay ay tinanong nya ako,.saan daw ba ako galing at ganon ang hitsura ko? sabay pingot sa tainga ko...Minsan isang gabi,maraming bisita na dumating sa amin,at nag usap-usap sila sa sala ng aming bahay kaharap ni Tatay at inang ang ama ni kuya celso,na nakaupo sa kabilang panig at katabi si Bebe.Nakatayo naman ako sa may tabi ng pintuan papasok sa aming kusina at narinig ko na ikakasal na pala sila sa susunod na buwan. At dumating nga ang itinakdang araw ng linggo,maraming nagdadatingan na mga bisita sa amin,at mga nilutong handa mga pagkain,na nakalagay sa mga malaking kaldero at palanggana,pati mga kakanin sa mga bilao,at isa-isa inaayos sa aming kusina.Napanood ko rin sa kapilya ang ginanap na pagkasal sa kanila ni Pastor Cornelio Ramos Bote,pagkatapos ng panlinggo sambahan noon dito.At sa pananghalian na ginanap sa aming bahay:marami ako nakain na pinya sa lata at sorbetes na in-order na dalawang kahon.Pagkatapos ng kasal,dito muna sila namalagi sa aming bahay,,..sa umpisa ay matamis na pag-ibig at pagsusuyuan,habang ako ay nakahiga sa aming upuan na mahaba sa aming sala at nakatingin sa mga butiki na naglalampungan sa kesami ng aming lumang bahay noon.Ako lang mag-isa kasi ang nasa sala namin, galing sa pakikipaglaro at sila inang nasa kapilya,si tatay nasa kanyang gasolinahan at nagbabantay,uuwi na iyon kapag tanghalian na,..naririnig ko ang kanilang mga biruan , tuksuhan at habulan sa aming kwarto na tulugan sa aming bahay ng oras na iyon..At grade II nga ako,sa pagpasok ko sa tanghali,ay nagpapahingi ako kay Bebe kay kuya celso ng baon na 5 o 10 sentimos bago ako umalis. ,

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila