Patuloy ang malakas na hangin at ulan,nasa bahay na kami ni tiyo menes, at nakaupo siya dito sa sa kanilang balkonahe.Kinumusta nya kami at nagtuloy na kami dito sa kanilang sala,sa pangamba nya sa sama ng panahon ngayon ay napayuko si minnie,habang nakaupo at nanalangin muna.Na sana y huminto na ang hangin at ulan, o Diyos na maawain.Magkaharap kami sa upuan at nag umpisa uli ang aming naputol na kwentuhan tunkol sa kalagayan ni arnell o sakit na nararamdaman ngayon:sabi ko sa kanya,pagluwas namin ay maiiwan na namin siya.Ang sabi nya:lagi nalang nya na ipanalangin ang tungkol sa aming gagawin. At naiba naman ang aming usapan,napangiti na siya,at masaya na,ng tunkol sa pag aaral sa klase,ang aming pag usapan.Tinawag na kami ni junior at amalia para maghapunan na at madilim na ang paligid at wala pang kuryente noong oras na iyon.At sabay sabay na kumain sa mesa nila dito kanilang kusina,sa liwanag ng aandap andap na kengke,at lamig ng hangin;sa mainit na kanin at sarciado dalagang bukid, na aming pinagsaluhan lahat ngayon bumabagyo parin.Dito na kami natulog ngayong gabi: ang mga babae ay sa kwarto at kami ay dito naglatag sa ilalim ng mesa dito sa kanilang kusina. Madaling araw na ng maramdaman ko na,tahimik na ang panahon,at magmulat ng mata ng umaga na.
@Thank you for the wonderful comment on my blog,have a good luck and visit again soon.
ReplyDelete