Sa Umaga ,pinabibili muna ako ng hot pandesal kila Raffy,at papasok na sa Makati ang kapatid ko at bayaw.Mag aaply naman ako ng trabaho,pagkatapos kong magbasa ng Job ads sa Inquirer at nagpunta nga ako sa San Miguel bldg.sa Makati rin ngunit pagka submit ng biodata,na interview naman ako,pero tatawagan nalang pag kailangan na nila ng cadet eng:r,at ganoon din sa Meralco sa Pasig.Mahihirapan yata ako na makakita ng employer ngayon,sabi ko sa sarili ko,habang nagpapahinga sa likod bahay dito sa Alabang.At pagka hapon na,lilipat na ako kila Alex,kapitbahay sa kaliwang panig namin at makikipagkwentuhan,makikinig ng music sa bago nilang component.Graduate siya ng B.S.E.sec.Ed.naghinto siya ng training dahil nabubuwisit sa estudyante nya.At sa gabi naman,pagkakain papasyal na uli ako kila Raffy at makikita kona uli ang aming grupo A.Y.C. ayala youth club,na marami narin kaming members,simula ng magkakilala kami dito sa villages,naisip ko paraan na ito para malimutan kona ang lovelife ko.Marami narin kaming activities na nagawa simula ng mabuo namin ito;mag iisang taon na ngayon.At wala naman ako naikukuwento sa kanila na girlfriend ko,kaya parang wala pang karanasan ang tingin nila sa akin.Sa hating gabi,hindi agad ako makatulog,lagi parin laman ng isip ko ang tungkol kay Minnie,paano ko kaya siya malilimutan.Ilang araw pa ang lumipas,nagpaalam ako kay Ditse Miyang,ifollow up ang application ko sa Fil.cement sa Pasig,sa bayaw ko roon,kaya doon muma ako kila Ate yoly uli sa Montevista,at nagdala na ako ng bag ng damit at cassette Stereo para hindi ako mainip doon.Mag isa lang ako natutulog sa malaking kwarto at kabila ay ang tatlong bata,si peachy,richard at carol na mga pamangkin ko,at hindi parin ako antukin agad,marami akong naiisip tungkol sa amin ni Minnie bago kami nagbreak.Gusto talaga nya ang will ni Lord na maglingkod para sa kanya Pangalan,doon siya magiging masaya,nakalimutan na niya ang aming mga pangako noon,Love is patient,and gentle,kung ito ang iyong kagustuhan para sa akin o Lord,please help me to forget her, at saka palang mahihinto ang aking pag iisip .
No comments:
Post a Comment