Sunday, January 3, 2010

Walang iba,walang iba kundi ikaw PART 2

Umuwi na ako ng Alabang at ngayon ay ika 31 na oktubre,mahalagang araw ito para sa akin:ang birthday ko,na parang walang nangyari,habang nakikinig ng awitin ni simon at garfunkel sa likod bahay,sa gitna ng mga alaga naming dwarf papaya trees,habang nagpapaantok ng gabing iyon,pero maaga pa naman para matulog.Naisip ko,wala man lang nakaalala na kaarawan ko na ngayon,matapos kong sunugin lahat ng sulat sa akin ni Minnie at lahat ng kanyang ala ala sa lugar na ito.Pamaya maya,isang kaibigan :si Boyet ay naghahanap sa akin,inaaya ako kila Chal sa katapat na bahay dito sa likod pagtawid ng main canal.May sorpresa raw sa akin ang aming A.Y.C.group,at pagpasok namin sa kanilang sala ay isa isa na nila akong binati ng happy birthday at nag umpisa na kami ng kwentuhan,habang kumakain ng sphagetti,sandwich,cold drinks at may bottles of beer pa.Sa isip ko,marami pa palang nakaalala sa akin ngayon,salamat po Diyos ko,hindi pa pala ako sawing palad.Ika 26 na edad ko na ito,subalit wala pa naitutulong o masuklian man lang ang kapatid ko si Ditse Miyang,nagpaaral sa akin at kasamang pamilya ngayon at bale liman taon din ang nasayang sa walang kwentang pag ibig na ito.Pero nakatulong naman para matapos ko ang pag aaral ko ngayon.Masaya na ako ng makatulog ng hating gabi pagkatapos ng aking masayang kaarawan na iyon.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila