Nakatapos na rin ako sa aking pag aaral ng araw na iyon,ika 15 ng oktubre,1982 ang taon noon.Kailangan ko nalang makadalo ng aming induction ball,na gaganapin sa hyatt holiday inn hotel sa petsa 20 ngayon oktubre,ngunit sino kaya ang aking makakapareha?kailangan kopa na maghanap,at kinabukasan;nagpunta ako sa isang kaibigan sa Q.C.kay Ann B.R. subalit hindi ko siya nakumbinsi dahilan sa may iba siyang napangakuan.Ganoon pa man,susubukan ko parin dumaan kay Minnie,baka hindi nya ako matiis:ay makipag balikan uli sa akin iyon:mga dalawang linggo na ngayon mula ng huli siyang nagpaalam sa akin na magkaibigan nalang muna raw kami.Nagkita nga kami noon sa pinapasukan nya pero nabigo parin ako na iniisip ko;Huli na naming pagkikita iyon at hindi ko na siya dadalawin pa mula noon. Sa ginanap na pagtitipon ng aming batch Oct.20,ako lang pala ang walang kapareha,ang iba kahit kapatid na babae isinama may masabi lang na kapareha,kaya inisip ko,makaraos nalang,ayos na sa akin ito.At mag aalas 3:00 na ng umaga ng makauwi ako sa Alabang at nawala na sa isip ko ang nakaraang pagtitipon.Panahon na para ako mag apply ng trabaho,kaya naisipan ko magpunta sa isang kapatid sa Montevista,Cainta,kila Ate yoly,baka matulungan ako ng bayaw ko.Lunes ng umaga,dumating ako sa kanila:bagong panganak pala si ate yoly,kaya hindi rin niya ako maistima ako nalang ang nagsandok ng pagkain ko ng tanghaling iyon.
i like this. tuloy tuloy mo lang dad, marami ako nalalaman sa iyo. i enjoy reading your personal tale. :)
ReplyDeleteGusto ko lang naman,magsulat ng isang telenovela,nainspired sa iyo anak,thanks
ReplyDelete