Wednesday, January 6, 2010

Walang iba,walang iba kundi ikaw PART 4

Maaga ako nagising,dahil sa pag iyak ng sanggol palang na si Mark mula sa kabilang kwarto ng Mag asawa.Sino kaya ang mag aalaga nito kung magtinda na uli ng damit sa Baclaran si Ate yoly.Nakatulog na uli ako,hanggang sa maramdaman ko nalang ang paglalaro ng mga bata at tuluyan na bumangon at nagtuloy sa may garahe ng kotse nilang red ford,bwenas raw sa negosyo nila ito.

Nag umagahan na kami,at nagyaya na ang bayaw ko na mamasyal kami at isinakay na namin ang mga galon ng tubig para umigib sa may bandang bayan,palabas ng subdivision;sa isip ko mahirap pala ang tubig dito.Mga alas 9:00 ng kami ay makatapos,at may dumating nga na isang dalaga at isang kasamahan raw ng bayaw ko sa Fi.cement,naisip ko,may mag aalaga na kay Mark at magbabantay sa mga pamangkin ko.

Gumayak na ako at pupunta uli sa N.U.sa aking pamantasan sa Sampaloc,Manila para kuhanin ang Certification ko galing ng M.E.C.para isubmit ko sa Fil.cement.Pagdating sa Registral,wala paraw kaya umikot ako,at umatend ng prayer meeting ngayon tanghali sa grupo namin na NUCCC,nakipagkwentuhan ng kaunti sa library sa ilang kaibigan.Umuwi na uli ako,nasa isip ko:kailan ko kaya yon makukuha,at sumaya ng maalala ang pagbati sa akin ng mga kasama sa grupo.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila