Friday, January 8, 2010

Walang iba,walang iba kundi ikaw,(the orig.Miss Manila) Part 5

Hapon na ng makarating ako sa bahay,pagbungad ko sa pintuan mula sa kanilang kusina ay kausap na ng kapatid ko ang babae na mag aalaga kay Mark.At sabay pakilala sa akin:na kapatid ko ,si danie,tahimik lagi yan,nag aaply ng trabaho sa Fil.cement.Napangiti nalang ako at tumuloy sa kwarto sa dulong bahagi nitong kalooban ng bahay.

Naisip ko,pinagsasabihan siguro ni ate Yoly,para malaman kung ano ang gagawin kapag wala sila,at baka magtitinda na bukas sa Baclaran.Nahiga nalang ako at nakatulog sa tunog at awitin mula sa cassette sa tabi ko,pagkatapos magpalit ng damit na T shirt at kupas na maong. Pagkaraan ng isa at kalahating oras,tinawag ako ni Ate yoly at bibili ako ng hopia monggo sa may bandang dulo ng subdivision,at agad na sumagot si Ampy na siya naraw,pasamahan kay Peachy,para malaman ang bilihan dyan sa labasan.

Lumabas naman ako dito sa may garahe,upang pagmasdan ang paligid ng lugar nila,katapat ang isang planta ng Polybag at abot tanaw ang entry gate nito.At dito sa kaliwang panig nitong garahe ay kanto at pagtawid ay dalawang kapitbahay,may poso ng tubig pagpasok ng gate na pwedeng igiban ng tubig,pero isang drum ang dapat kong punuin araw araw,nasa isip ko.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila