Madalas ,, na kaming magkita noon,at lagi na rin umuulan ngayon buwan ng Mayo,maaga yata ang tag ulan ngayon.Kaya ng minsan,inabutan kami ng malakas na ulan at hangin sa kapilya ng hapon na iyon,kasama ang ilang mga juniors na nag aayos ,naglilinis,at nagpapractice na kanta,para sa gaganapin na South zone youth fellowship sa susunod na linggo.Walang ano anoy natanaw namin na paparating ang tatang niya.Narinig ko lang:galing raw sila ng cabanatuan at napadaan lang,malakas nga ang ulan at hangin at kung wala nga raw gagawin ay sumabay na sa kanya umuwi ng papaya. Pero tumanggi si minnie,at sinabi niya:marami pa raw gagawin,at napatingin sa akin ang kanyang ama,at napangiti,parang naalala nya ng ipakilala kami ni minnie ng nagpiyesta sa kanila :na bilang isang kaibigan,kasama pa si arnell doon,ng makatulog pa kami sa bahay nila sa papaya.Kaya ang bilin nalang sa akin,mag ingat kayo at bantayan nalang ang kanyang anak na dalaga. Pagkaraan noon,ay lumakad narin ang tatang niya pauwi sa kanila,tuloy ang ginagawa ng mga kabataan sa kapilya hanggang malapit ng dumilim ay lalong lumalakas ang hangin at buhos ng ulan.Kaya nagpahiram siya ng payong kay junior at lumipat kami sa bahay nila,matapos isara na ang kapilya. Nasa isip ko,baha na sa ilog ngayon at mahihirapan akong tumulay ngayon sa tulay na bakal,madulas ang hahakbangin ko roon na mga kahoy na tarabyesa,at babaksak sa malakas na agos na ilog,bukas na nga lang daw ako umuwi,ang pag alala sa akin ni minnie ng sandaling iyon.