Monday, March 15, 2010

Walang iba kundi ikaw (the orig.Miss Manila)Part 15

Mula noon,naging inspiration ko ang kanyang mga sulat ,nag aaral akong mabuti para maipasa ang mga subject ko sa M.E. at lagi ko siyang naiisip kung kailan ko siya dadalawin. Kaya ng dumating ang sem. break ay umuwi ako sa amin,at habang nakasakay ako sa baliwag bus:siya ang laman ng aking isip,masaya at excited ang aking nadarama.Pagdating ko sa amin,ay tumuloy na ako sa sinasajan.natanaw ko ang mga juniors at binati ako,at sinabi sa akin na naghihintay raw sa akin ang ate minnie nila, at pagpasok ko sa kapilya ay napansin ko ang matamis niyang ngiti sa akin,habang ako ay papalapit at naupo muna ako sa malapit at tapat na upuan niya.At nagpatuloy siya sa pagtuturo sa mga bata.Pagkatapos noon,ay isa isa na nagsilabas at ang iba ay nag umpisa na mag ayos at maglinis sa loob ng kapilya. Magkatabi kami sa mahaba na upuan sa pagsamba dito,at sabi niya sa akin,kumusta ka na?at nag umpisa na ang aming matamis na pag uusap,habang magkahawak ang aming kamay at dinadama ang pintig ng puso.Kasabay ang matamis na halik sa kanyang pisngi at bulong sa kanya na mahal ko siya.Ganoon din naman siya ,habang pinakikiramdaman ko ang bawat sasabihin niya,mga sumpaan na:parang walang katapusan,napakasaya namin ngayon sandaling ito ng aming pagkikita.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila