Monday, March 22, 2010

Walang iba kundi ikaw (the orig.Miss Manila)Part 16,

Nagkita uli kami ng sumunod na araw,linggo noon ng umaga at kasama ko na si Pastor sa pagpunta namin sa sinasajan.Nakinig ako ng matalinghaga mensahe ni Pastor para sa ano mang pagsubok sa buhay ay kailangan ang matapat at mataimtim na pananampalaya ng mga kristiyano dahil ang Diyos ay pag ibig.Sa pamamagitan nito ang mga bagay ay madaling matupad o marating sa pananampalataya.Sa pagtatapos ng mensahe ay nag tanging bilang si minnie at kumanta,narinig ko uli ang kanyang tinig,kasabay ang malagkit na sulyap nya sa akin,na parang nakahandog ang awitin na iyon para sa akin at sa pag ibig na nadarama namin ngayon.Nagtuloy kami sa bahay nila Impo anacleta,kila emily na katabi ng kapilya at dito kami nananghalian at nagkausap kami ng kaunti sa sala kaharap sila pastor.At pagkaraan noon,nagkahiwalay na uli kami,matapos ko siya ihatid sa sakayan malapit sa may bisita katoliko dito ,pasakay sa tricycle pauwi sa kanila sa papaya.Kumaway siya sa akin at nakangiti papalayo at bumalik na uli sa bahay.At sabay na uli kami ni pastor sa paglalakad pauwi na sa bayan.Masaya ang aming pag uusap ni pastor,kung kami raw ba ni minnie ay may relasyon na?Ang sagot ko ay mayroon na po:At sabi niya,hangad niya na magpatuloy at maswerte raw ako,dahil isang deaconesa si minnie,at magiging matapat raw at wagas ang aming pagmamahalan.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila