Tuesday, April 6, 2010

Walang iba kundi ikaw (the orig.Miss Manila)Part 17,

Lumipas ang mga araw at dumating ang birthday ko,nasa isip ko siya,itinatanong ko sa sarili ko kung ako ay maaalala niya ngayon. Pinasaya ko ang sarili ko,siguro nga naaalala niya ako ngayon.Paglabas ko sa klase ko ay nagtuloy ako sa may Recto at nanood ng sine sa Maxim,isang love story at romance:ni robert redford at barbra streisand ang :the way we were,nakikiliti ako at natutuwa sa istorya nito,may parte na malungkot,dahil hindi rin sila nagkatuluyan ng bandang huli nito.At mahigit isang linggo ang lumipas,nakatanggap ako ng sulat na may birthday card mula kay minnie,sa aking mahal.Nagmamahal at naaalala nga niya ako ng birthday ko,at ng araw na iyon ay humanap siya ng card na ihahandog sa aking kaarawan;litrato ng bugkos na rosas at pulang maroon ang kulay,at binabati nya ako sa aking kaarawan at ako ay mahalaga at mahal na mahal niya ngayon:masaya at may galak ang aking kalooban,sa sandaling ito na nakahiga sa sala ng aming tirahan sa ibaba,kasabay ang panonood ng student canteen sa tv ni kuya eddie ilarde at coney reyes.Kinagabihan,nakaupo uli ako sa study table dito sa itaas,nag iisip ako ng sasabihin ko kay minnie ngayon sa pagsagot sa sulat nya ngayon at pagbati sa aking birthday.

No comments:

Post a Comment

Zest Air Promos | Cheap Braces Manila